Breaking News

Watch: The Story of JOB



--- CAST ---


·         God (voice-over)
·         Satan
·         Angels (5 to 10)
·         Job
·         Sons (7)
·         Daughters (3)
·         Wife
·         Eliphaz
·         Bildad
·         Zophar
·         Servants
·         Sabeans
·         Chaldeans
·         Donkey
·         Oxen
·         Camel




N
ARRATION: Noong unang panahon, sa lupain ng Uz, matatagpuan ang isang lalaking nangnga-ngalang Job (I know what you’re thinking, a-uh, no no no, hindi Steve Jobs – Job lang). Hindi sya pangkaraniwang tao, pero hindi rin naman sya si Superman. Hindi sya pangkaraniwan sa kanyang panahon, dahil mahal na mahal nya ang Diyos.

Mayroong magandang kabuhayan si Job. Marangya ang kanyang kabuhayan. Nasa garahe nya ang pinaka-latest model ng kamel…at may 3000 pa syang pag-pipilian. Kung real-estate ang pag-uusapan, hindi rin pahuhuli ang mga condo-type tents ni Job para sa kanyang malaking pamilya at mga katulong.

Mayroon syang magandang asawa, tatlong hindi rin naman matataran sa kagandahang anak na babae at pitong mga naggu-gwapuhang anak na lalaki.

Nasabi ko na bang meron rin syang pitong libong tupa, limang daang baka, limang daang asno (hindi snow, asno, as in donkey) at sangkatutak na kasambahay.

A
CT:       As the narrator narrates, with the mention of the character, actors/actresses will form in the stage, acting their character. A tent will be erected, some camels and oxen and donkeys will roam around, Job will be like the “Don”, with his wife be like a “Madam”, with his daughters be as gorgeous as the “Kardashians” and his sons are like Johnny Bravo, flexing their muscles and smiling a-la boy-next-door. Servants will be busy doing something, arranging table for a banquet – have to keep this on stage as it will be used on Scene 2.



SCENE 1
MEETING

CAST
·         God
·         Angels
·         Satan

Stage Setting: Heaven

God:               ehem…so yan ang aking dakilang plano para sa sangkatauhan…kaligtasan para sa lahat.

Angel 1:         Tama! (will conferred to his fellow angels)

Angel 2:         Wag lang talagang magpasaway minsan ang mga taong ‘yan!

A
CT: The setting in heaven will be “meeting type”, angels are seating discussing something, some are playing harps, others are playing with the clouds... a nice soothing music will be played in the background. The voice of God will be a deep-Morgan-Freeman-like (voice over only). A dark music will suddenly play, as an angel on black-cloak appears. Angels will stop what they’re doing, aghast.

God:   Well, well, well, look’s who’s here?!

Satan: Yes, its me…spelled it right, capital L U C I F E R…Lucifer, hahahaha (laughs like a villain)

God:   Saan ka galing?

Satan: Saan pa? eto burning calories, byaheng langit at lupa…

God: Hhhhmm..nakita mo ba ang aking anak na si Job? Tunay na sya ay isang tapat at mabuting tao. Saan ka pa makakakita ng katulad ni Job?

Satan: Aahhh si Job??!! Hhmm…tingnan mo nga sya, ang ayos ayos ng buhay, may magandang asawa, masunuring mga anak, maayos na kabuhayan…ano pang hihihilingin nyan, wala na…uwian na may nanalo na??!! Bravo Job, bravo (Satan clapping his hands sarcastically).. Kaya lang naman sumusunod sa’yo yan dahil maayos ang buhay nya. Subukan mong alisin lahat ng  mga yan sa kanya, ewan ko na lang kung hindi ka nyan isumpa?!

God: Hindi ganyan sa iniisip mo si Job. Isa syang tapat at mabuting tao. Sya ang tao na dapat maging huwaran ng iba pang mga tao.

Satan: Alam ko yan ang tingin mo kay Job, mabuting tao, kasi mabuti ang buhay. Gawing mong miserable ang kanyang buhay, ewan ko na lang kung hindi ka nya supain at kalimutan.

God: Mabuting tao si Job!

Satan: Paulit-ulit? (laughs again)…ibigay mo sa’kin si Job, hayaan mong pagdusahin ko sya…ewan ko lang kung maalala ka pa nya pagkatapos ng gagawin ko sa kanya (smiles devilishly as if hatching an evil plan)

God:   Sige gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya, pero wag mo syang sasaktan.

Satan: Your wish is my command…hahaha (laughs and ecstatically dancing)

--- END SCENE ---
SCENE 2
TEST NO. 1
CASTS:


·         Job
·         Job’s wife
·         Job’s 7 sons
·         Job’s 3 daughters
·         Servants
·         Messengers
·         Sabeans
·         Chaldeans
·         Camels
·         Donkeys
·         Oxen
·         Sheep



A
CT: Job will be on his tent-mansion, having shisha, with his wife feeding him some grapes. Some servants are attending their needs, massaging Job’s legs; another servant combing the hair of Job’s wife. All seems to be relax, stress-free-hayahay-mode.
Not far from Job are 4 settings (remember the settings on the narration, split that setting into 4).


Setting 1 (The Attack of the Sabeans)

CASTS:
·         Servants
·         Messenger
·         Sabeans
·         Donkeys
·         Oxen

A
CT: Servants are tending the livestock on their cages, others on grazing on the grassland. Sabeans will suddenly appear, barbaric and brute, with bolos and machetes they will kill the servants and the livestock (all of it)…one servant was able to escape. This servant/messenger will report to Job what had happened.

Messenger 1: (running, hingal na hingal, takot na takot)…amo, amo!

Job:    Anong nangyari sa’yo? Bakit duguan ka?

Messenger1: Amo, sinalakay po tayo ng mga Sabeans sa karatid bayan. Pinatay po nila ang lahat ng iyong hayupan, maging ang pastol at tagapag-alaga po ay pinatay rin nila. Ako lang ang naka-ligtas para maghatid sa inyo ng masamang balitang ito!

Setting 2 (When Lightning Strikes)

CASTS:
-       Servants / Shepherd
-       Messenger
-       Sheep
-       Mighty Lightning

A
CT: Sheep are grazing on the grass with shepherd. Suddenly a powerful lightning will strike them all, leaving them toasted and crispy, surviving only one – the messenger.
From Setting 1, before even Job can react on the news of the messenger 1, Messenger 2 comes running, still bewildered with the lightning strike.

Messenger 2: Señor, señor! Isang matalim na kidlat po ang tumama sa iyong parang, timaan po nito ang lahat ng alaga naming tupa, pati po ang mga pastol ay hindi nakaligtas! Eto po, may dala po akong crispy-tupa!


Setting 3 (The Attack of Chaldeans)

CASTS:
-       Servants
-       Messenger
-       Chaldeans
-       Camels

A
CT: Coming from the crowd/audience, Chaldeans will attack the servants killing them in cold blood. Camels will be running around bewildered. Chaldeans will then take all the camels and returned back from where they come from. From Setting 2, before even Job can react on the news brought by messenger 2, Messenger 3 comes running.

Messenger3: Mudir! Mudir! Galing sa timog, sa kanluran, sa silangan, umatake po ang mga Chaldeans. Pinuksa po nya lahat ng pastol at mga manggagawa sa inyong hayupan. Lahat po ng mga kamelyo ay kanilang hinakot, wala pong natira!

Setting 4 (When The Roof Falls)

CASTS:
-       Seven Sons
-       Three Daughters
-       Servants

A
CT: There will be a banquet of sort on the house of the eldest son. Sons and daughters are partying. Servants are serving foods and drinks, other guests are dancing, some are socializing. A trailblazing tornado will come and whip the house. Chaos, screams, panic, and the roof will fall killing all those who are under it. One servant will survive to tell the news. From setting 3, Job still trying to comprehend what just happened to his livestock, came Messenger 4, with all the debris of the roof.

Messenger4: Master! Master! May masama po akong balita! Isang buhawi ang dumaan sa bahay ng inyong panganay na anak habang nagkakaroon ng kasiyahan. Sa lakas ng buhawi, nawasak po ang bahay at bumagsak ang bubong… lahat po ng anak nyo ay namatay, maging ang inyong mga alipin. Wala pong nakaligtas, maliban sa akin.

Job: Aaaahhhh! Diyos ko! Diyos ko! Sa aking pagdating sa mundong ito ako ay hubad. Hubad akong babalik sa ‘yo Diyos ko! Ikaw ang Diyos na nagbibigay, ikaw ang Diyos na bumabawi. Purihin ka Panginoon ko! Purihin ka!!!

A
CT: Grieving Job will tear his clothes off, weeping aloud he will shave his head. Shaven, he will cover his body with ashes. Jobs wife will just stare on him, crying…


--- END SCENE ---

  
SCENE 3
GIVE HIM SOME SORES

CASTS:
·         God
·         Satan
·         Job
·         Job’s Wife

God:   Lucifer! Isa kang talunan! Anong masasabi mo ngayon?

Satan: Hhhmmm…

God:   Tingnan mo ngayon si Job…wala na sa kanya ang lahat! Wala na ang kanyang pamilya, wala na ang mga pag-aaring kanyang tinatamasa, pero pakinggan mo! Sya ay patuloy na nagpupuri sa akin…sya ay nananatiling tapat sa’kin!

Satan: No no no…Hindi pa tapos ang laban, ‘wag masyadong excited. Excited much lang? Bwahahahaha!!! Hindi pa nag-rereklamo sa’yo ‘yan dahil malakas pa naman! Wala pang karamdaman! Subukan mong bigyan ng karamdaman yan…ewan ko lang kung hindi ka nyan isumpa. Siguradong kapupuotan nya ang araw ng kanyang pagsilang! Bwahahahaha!

God:   Sige pinahihintulutan kita. Gawin mo ang nais mo, wag mo lang syang papaslangin!

Satan: Ay ay ay….hindi ko sya papaslangin, pero pagkatapos ko, mas gugustuhin pa nyang mamatay at siguradong susumpain ka nya!

Job:    Aaaahhh…Diyos ko! Diyos ko!

Job’s Wife:     Anong diyos diyos?? Pineapple Juice!!! Bakit patuloy kang nagpupuri sa diyos na ‘yan?! Sya ang nagbigay sa’yong ng kasakitan! Sumpain mo na ng diyos mo! Sumpain mo na sya!

Job:    May mga panahon ng kasaganaan at may panahon din ng kasalatan…lahat ng ito ay nagaganap at lilipas rin, pero hindi dapat sa Diyos ibalik ang sisi. Patuloy akong magiging tapat at magpupuri sa kanya habang ako ay nabubuhay.

A
CT: Taking from the last scene, Job, head-shaved, body covered with ashes, will continue weeping, grieving. Satan will then be circling around Job, measuring. Wicked-faced, gauging. Satan will continue circling Job as he talks and make another bet to God. On the Satan’s last sentence, he’ll inflict Job with awful sores, boils, from head to foot, after this, satan will vanish from the scene. Job is in agony…messy and painful. Job’s wife will come to his side, mocking God, after which she will be out of the scene.
  

SCENE 4
THE BFFs

CASTS:
·         Job
·         Eliphaz
·         Bildad
·         Zophar

ACT: Slowly, Job’s wife will leave the scene, as Job’s friend Eliphaz enters.

Job:    Eliphaz! Salamat sa pagdalaw mo. Kumusta ka?

Eliphaz:          Job, brad, hindi ko alam na ganito na pala ka-lala ang sitwasyon mo. You’re a mess! Ano ang pwede kong maitulong? Anong ginawa mo para parusahan ka ng Diyos ng ganito?

Job:                Inosente ako Eliphaz…wala akong akong matandaang ginawa ko para lapastanganin ang aking Diyos.

Eliphaz:          Kung wala kang kasalanan, bakit nangyayari sa’yo ‘to?

Job:                Wala akong ginagawang masama! Wala! Wala!

ACT: After Job’s last line, Bildad will be swooping in to the scene with his powerful line. Job and Eliphaz will be shocked on Bildad’s appearance.

Bildad:           Akala mo lang wala! Pero meron! Meron!!!

Job:                Wala akong kasalan!

Bildad:           You look terrible! You’re in a total mess! Sigurong ginalit mo ang Diyos kaya nagkakaganyan ang ‘yong buhay. Bakit hindi ka lumapit sa kanya, manalangin at humingi nga tawad?

Job:                Mali ka…wala akong ginagawang masama, wala akong kasalanan.

Bildad:           Wala ka talagang ginawang kasalanan? Job tingnan mo, nawala sa’yo ang mga ari-arian mo, pati ang mga anak at alipin mo, lahat ng meron ka ay wala na! Wala na! Hindi mangyayari ‘to kung wala kang kasalanan!

Job:                Panalangin at pagtitiwala! ‘Yan ang nararapat…ang patuloy na pagtitiwala at pananampalataya sa ating Diyos, sa kasaganaan man o kasalatan, sa kalusugan o kasakitan! Tapat ang Diyos!

ACT: Zophar will enter the scene.

Zophar:          Tapat?! Tatapatin kita, kaibigan, hindi ko alam kung papano kita dadamayan…anong nangyari sa’yo? Karumaldumal ang ‘yong kalagayan, ginalit mo and Diyos kaya ka nasadlak sa ganitong kalagayan. Anong ginawa mo?

Job:                Zophar, paulit-ulit na tayo…wala akong ginagawang masama, maniwala kayo.

Zophar:          Sabihin mo, masyado kang nagmamagaling kaya ayaw mong aminin na meron kang ginawang kasalanan!!!

Job:                 Hindi kayo nakakatulong sa aking nararamdaman! Pero salamat pa rin sa Diyos at may mga kaibigan akong tulad nyo. Salamat sa pagdamay…salamat sa pag-bisita. Salamat sa pag-aalala nyo. Mabuti ang Diyos. Ang Diyos ay tapat. Hindi sya dapat sisihin…ang Diyos ay mabuti, ang Diyos ay tapat.

A
CT: Eliphaz, Bildad and Zophar walking skeptic around Job, will continue to mock Job of his wrongdoing. Pointing fingers on him, accusing him. Job, in return, will continuously deny their allegations, weeping and mourning. Body covered with sores and worms falling from his skin. Slowly the 3 friends will disappear from the scene, leaving Job in that messy situation. A loud bang will be heard, then the wind swossh… then the voice of God will be heard.

--- END SCENE ---


SCENE 5
GOD TALKS TO JOB

CASTS:
-       God
-       Job

God:   Job, anak ko.

Job:    Huh, Diyos ko!

God:   Job, pull yourself together, get up! Ayaw kong nakikita kang ganyan. May ilang katanungan lang ako sa’yo. Job, nasaan ka ng lalangin ko ang mundo? Saan at sino ang nagplano para lalangin ang mundong ito? Namasdan mo na ba kung paano mamukadkad ang isang bulaklak? Ilan ang bilang ng balahibo meron ang isang pusa?  Gaano kalakas ang isang kalabaw? Gaano karaming tala meron sa kalawakan? Ako ba ang sisisihin mo sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa buhay mo?

Job:    Ikaw nga ‘yan Panginoon ko!

God:   Ako nga! Ako ang nagpapalakad at nagpapa-ikot ng mundong iyong ginagalawan. Mas malaki ako kesa sa anumang kasakitan, anumang kapighatiaang meron ka ngayon. Ako ang Diyos na lumikha ng lath sa mundong ito!

Job:    Diyos ko!! Alam kong ikaw ang may kapangyarin sa lahat ng nasa mundong ito! Ikaw ang Diyos na makapangyarihan! Ikaw ang Diyos na tapat! Pinupuri kita! Sinasamba kita!

God:   Job, nasaan na ang iyong mga kaibigan? Ito ba ang mga tinatawag mong mga kaibigan? Hindi sila naging tapat sa aking at sa’yo Job. Humayo kayo at maghandog sa akin…Job, ipanalangin mo sila.


A
CT: Loud voice of God can be heard on this conversation. Job will be amazed and ecstatic on this scene as he talks to God, and yet still in anguish because of all the boils he had. Job’s 3 friends will sheepishly disappear from the scene, they will be back feeling shameful when God as for them. At the end of the scene, with joyful song, Job will rejoice…boils will be gone. New set of Job’s families will appear on the scene, new set of livestock, new set of slaves. All are happy and singing.

--- END SCENE ---


No comments