WORDS: Jesus Loves You | Spoken Poetry © Toni Gonzaga
BAKIT SA TUWING
TITINGIN SA SALAMIN
MARAMING NAKIKITA
NA MAHIRAP AMININ
'DI GANON KAGANDA
MALIIT O MALAKI ANG PANGA
SINGKIT
BANLAG
MALIIT ANG MATA
BAKIT PALAGING MALI ANG PUNA
MINSAN NAKAKALIMUTAN NA NATIN
KUNG SINO KA BA TALAGA
DAHIL SA DAMI NG BOSES NA IYONG NARIRINIG
SA DAMI NG PINTAS NA IYONG DINIBDIB
NABULAG KA NA NG MALING PANINIWALA
NA ANG TUNAY NA GANDA
AY DI LANG SA LABAS NAKIKITA
BAKIT BA ULI
SINONG MAY SABI
NA ANG KAGANDAHAN NGAYON
AY MAY PAMANTAYANG NAKADIKIT
SA INSTAGRAM
SA FACEBOOK
SA TV NAKIKITA
KUNG SINONG MARAMING GANAP
SILA YUNG MASAYA
PERO KUNG HAHALUKAYIN
AT IYONG KIKILALANIN
ANG BAWAT ISA AY MAY TINATAGONG HINAING
HINAING NA DI NILA IBINABALANDRA
DAHIL IMPORTANTE SA NGAYON
AY KUNG ANO ANG NAKIKITA
MINSAN MAKINIG
AT TAKPAN ANG IYONG TENGA
MAARI MO NA RING ISAMA ANG IYONG MGA MATA
SINO BA ANG LUMIKHA
AT GUMAWA SAYO SA MUNDO
BAKIT KA LAGING NAKIKINIG
SA IBANG TAO
MAHALAGA KA
IMPORTANTE KA
MAY NAG MAMAHAL SAYO
WAG KA NANG TUMINGIN PA SA TABI MO
ITAAS ANG IYONG ULO
DAHIL MAY NAMATAY PARA SAYO
PARA MABUHAY KA NANG TOTOO
MALAYO SA SAKIT NA NARARANASAN MO
PAKINGGAN ANG BOSES NA TUNAY NA MAHALAGA
ANG BOSES SA 'YONG PUSO
NA NAGSASABING SAPAT KA NA
SAPAT KANG MAHALIN
SAPAT ANG 'YONG ITSURA
SANA MINSAN
PAKINGGAN MO RIN SIYA
HINDI YUNG LAGI KA NA LANG NAKIKINIG SA IBA
MAY DAHILAN KUNG BAKIT NANDIRITO KA PA
WAG KANG BIBIGAY
MAY DARATING NA BUKAS NA MAS MAGANDA
MAS MAGANDA SA SITWASYON NA MERON KA NGAYON
KAILANGAN MO LANG PAGDAANAN ANG SAKIT
PERO BUKAS ITO LAHAT AY MAGIGING KAHAPON
PAG NALAMPASAN MO ANG LAHAT NG ITO
MADIDISKUBRE MO KUNG ANO ANG TOTOO
MAHAL KA NG DIYOS
NANDIYAN SIYA PARA SAYO
ANG TAGAL MO SIYANG INIWASAN
PERO 'DI SIYA LUMAYO
SANA PAGKATAPOS NG LAHAT NG ITO
BUMALIK KA SA BOSES
NG LUMIKHA SAYO
JESUS LOVES YOU
No comments