The PASTOR and the GLASS of WATER
May isang lalake na pumunta sa Pastor at ang sabi...
"Pastor hindi na ako babalik sa church niyo.
"Ngunit bakit naman?" tugon ng Pastor.
"Eh! Kasi naman po Pastor may nakita ako sa loob ng church nagdadaldalan at sinisiraan ang kapwa kapatid, may taong magpagkunwari, mayabang, maging ang music team mali ang ginagawa. Maraming tao na tumitingin sa cellphone habang nasa service at ang daming mali na nakita ko sa church Pastor." Sumagot ang Pastor...
"Ok, pero bago ka umalis, pwede ba akong maka hingi ng pabor? Kumuha ka ng isang basong puno ng tubig at umikot ka sa loob ng Church ng tatlong beses na walang matatapon na kahit isang tulo ng tubig. At pagkatapos pwede kanang magpaalam."
Sa isip ng lalake "Napakadali naman!!!"
At umikot nga ang lalake ng tatlong beses sa church.
At nang siya'y matapos, "Pastor pwede na po ba akong umalis?"
Sinabi ng Pastor, "Bago po pala kayo umalis pwede po pa ba akong magtanong muli?"
Nung palakad-lakad ka at inikot mo nang tatlong beses ang church, may nakita ka bang nagdadaldalan, at sinisiraan ang kapwa kapatid?
"Wala po."
May nakita ka bang mapagkunwari at mayabang?
"Wala po."
May nakita ka bang music team na may maling ginagawa?
"Wala po."
May nakita ka bang gumagamit ng cellphone habang nasa service?
"Wala po."
Alam mo kung bakit? "Hindi po."
Dahil naka focus ka sa baso na may laman na tubig, dahan-dahan ka para hindi ka matisod at para walang matapon. Tama!?
Katulad din sa buhay natin bilang isang Kristiyano. Kung nakatuon lang ang ating paningin sa Panginoon, hinding-hindi tayo matitisod at wala tayong oras para tingnan ang mali ng iba.
✔
"We will reach out a helping hand to them and concentrate on our own walk with the Lord."
“Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear.”Ephesians 4:29
©tto
No comments