Open Letter To My Father on Father's Day!
Pa,
Magdadrama muna ako ako ha! Awkward man kasi hindi ko naman 'to usual na ginagawa (talaga lang ha! hahaha). Pero ayaw ko naman ipagdamot kasi sa'yo ang araw na 'to para batiin ka ng isang "Happy Father's Day"! Oo! Aaminin ko na nakulong ako sa mindset na dapat galit, hinanakit at sama ng loob lang ang maramdaman ko sa'yo! Pero hindi ko talaga kaya Pa eh! Baligbaligtarin man natin I can't deny the fact that you're still my father! (Oh English yun!).
Since sinumulan ko na magEnglish, sige paninindigan ko na! Hahaha! Joke lang! So I realized.... hmmmp... Ulit! Naisip ko kasi na instead na magalit ako sa'yo bakit hindi na lang ako maging thankfull! Bakit kamo?!
So eto na nga! Edi ba kaya naman ako napunta dito sa Saudi gawa ng eroplano at piloto! Corny! Hahaha! Joke lang!
Sige na nga, seryoso na... tissue please!
Malimit ko na 'to maShare sa iba, pero by this time since katatapos lang ng araw ng Kalayaan, so bibigyan ko kayo ng laya para makiChismis sa personal life ko... Hahahaha! *piz* po sa lahat!
Seryosohan na talaga...
Alam ko, hindi tayo ganun naging close before (or should I say 'gang ngaun). Pero alam nating hindi pa naman huli ang lahat. Hindi man na natin kaya ibalik ang nangyari na, pero I believe kaya pa natin ulit magsimula! Pasok Ate Charo!
Lumaki kasi kami ng Ate (my one and only sister) na may takot sa'yo! Bata pa kasi kami lagi ka na lang lasing kapag uuwi ng bahay tapos magwawala ka pa (Sorry Pa pero that's the reality)! Kaya umabot sa punto na kapag alam namin na andiyan ka na kelangan na namin pumasok sa aming mga kwarto (sorry share lang pala kami ng room ng Ate, ambisyoso lang!) para matulog as per advise ng Inay! Nagpatuloy sa ganung scenario. Hanggang sa hindi na kinaya ng Ate.
So ayun na nga, for an early age, nakapagAsawa ang kapatid ko ng dahil sa situation. (Another chapter na un, if may time, soon ikkwento ko, hahaha).
Si ako naman nagpatuloy lang sa pagAaral, gang sa makatapos ng Kolehiyo! Nakahanap ng trabaho! But sad to say hindi ko na din kinaya ang situation natin na parang feeling ko ay paulit ulit na lang!
Eto yung reason kung bakit andito ako sa kabilang bayan, nagpapakaOFW (Nagpapakabayani kuno! hehehe!)! Hindi dahil sa gusto ko lang takasan ang mga problema natin diyan sa Pinas, syempre andun din pagAasang aasenso naman tayo kahit paano...
Ang daming nangyari, ang daming naganap, eto ako may sarili na rin sariling pamilya pero hindi ko akalain na magkakaroon ka din na sa'yo! (3rd party!). Pasok Moira!
So dito na nga nagsimula ang hatred sa puso ko tas parang pakiramdam ko talaga na wala talagang sagot sa tanong na BAKIT? Kapalit-palit ba kami sabi nga ni Liza Soberano!
To make the story short, hinayaan ka na namin kasi kung para sayo yan ang happiness mo, sino ba naman kami para ipagkait sa'yo kahit samu't saring mga komento ang natatanggap namin sa iba't ibang tao.
Pero teka nga! Ang gusto ko lang naman ay bumati sa'yo ng "Happy Father's Day!" Bakit nag testimonya na ako!
Pero Pa! Parang gusto kitang yakapin ng mahigpit para sabihin sa'yo na,
"Pa, parang hindi ko na kaya!"
"Pa, parang nanghihina ako ngayon"
"Pa, kelangan ka namin ng Inay ngayon!"
"Pa, I'm in a battle right now at sunod sunod ang bagyo na sinasagupa ko ngayon!"
"Pa, nahihirapan na ako at kelangan namin ng tulong mo!"
Pero paano? Kasi sa nakikita ko ngayon ay parang mas kelangan mo ng tulong!
Pero sabi nga, everything happens for a reason... Life goes on!
Sabi ko nga kanina, hindi pa naman siguro huli ang lahat. Our door is always for you 'coz you're still my father and I'm always your bunso!
HAPPY FATHER's DAY ulit Pa and we love you!
Dahil jan, throwback muna tayo!

GOD BLESS US ALL!!!
No comments